-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lugar Sarangani sa Davao Occidental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang tectonic earthquake alas-7:21 ngayong gabi.
Dagdag ng PHIVOLCS, aasahan pa rin ang ilang mga aftershocks matapos ang nasabing malakas na pagyanig.
Sa ngayon, nangangalap pa ng mga impormasyon ang ahensya ukol sa posibleng pinsala matapos ang naganap na pagyanig sa naturang lugar.