-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inihayag ni Davao City Councilor Danilo Dayanghirang, convenor sa “Sara All 2022” na nag-isip umano ng ilang beses si Mayor Inday Sara Duterte bago ang kanyang desisyon na kakandidato sa mas mataas na posisyon.

Ayon kay Dayanghirang nakaranas rin ng pressure ang alkalde hindi lamang sa kanyang pamilya kung hindi pati na sa kanyang mga supporters.

Una ng sinabi ng grupo na wala silang nakikitang papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi si Mayor Inday lamang ito ay para maipagpatuloy umano ang mga nasimulan ng kanyang ama lalo na ang pagpapatupad ng mga imprastraktura.

Kung maalala emosyonal si Mayor Inday ng magpaalam ito sa lungsod at sa kanyang mga kasamahan sa City Hall na kanyang nakasama sa loob ng mahabang panahon.