
Hiniling ngayon ng Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon sa pamahalaan na buksan na lahat ang mga ruta ng UV Express at mga jeep sa Metro Manila para hindi sila malugi sa pagbiyahe.
Ayon kay Mar Valbuena ang Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon national president, sa ngayon one way lang daw kasi ang kanilang biyahe sa ngayon at mayroon lamang silang siyam na pasahero sa isang biyahe kaya dito sila nalulugi.
Aniya sa pamamagitan daw ng pagbubukas sa lahat ng ruta ay magkakapgsakay pa sila pabalik ng kanilang terminal at vice versa.
Sinabi din ni Valbuena na dahil sa pagpapatupad ng health protocol, isa isa raw na UV Express, gumastos sila ng hindi bababa sa P3,000 at hindi naman lalagpas ng P5,000.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nasa 980 UV Express (UVE) vehicles ang nagsimula na sa operasyon sa 47 routes sa loob at labas ng National Capital Region (NCR) ngayong araw.
Bahagi raw ito ng “gradual, calibrated at partial” approach para maibalik ang public transport system.










