-- Advertisements --

Napili bilang 2025 word of the Year ng Dictionary.com ang “67” (six-seven).

Ang nasabing salita ay sikat na slang words na gamit ng mga Gen. Alpha.

Ayon sa website na base sa kanilang lexicographers gaya sasearch results, social media trends at headlines ay naging matunog ang 67.

Nagmula ang nasabing paggamit ng 67 dahil sa kantang ‘Doot Doot (6 7)’ ng grupong Skrilla,”.

Sa tulong ng mga social media ay naging matunog ito na ginagamit na ng karamihang kabataan.

Ilan sa mga nakasama sa listahan na tinalo ng nasabing salita ay ang mga sumusunod: Agentic,
Aura farming, Broligarchy, Clanker, Dynamite emoji (TNT, Taylor ‘n’ Travis), Gen Z stare, Kiss cam, Overtourism, Tariff, Tradwife.