-- Advertisements --

Suportado ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na taasan ang alcohol taxes.

Sinabi ng Kongresista na siya ang unang miyembro ng 19th Congres na naghain ng batas para taasan ang excise taxes ng alcopops at siya rin ang nag sponsor sa pinakahuling alcohol excise tax increase.

Aminado si Salceda na siya ay nababahala sa talamak na paglaganap ng ipinagbabawal na kalakalan sa alkohol at tabako. 

Ang inflation ay nagpapataas ng black market. 

Ayon sa Kongresista sa tabako lamang, mula noong 2021, nawalan tayo ng humigit-kumulang ₱221 bilyon sa national revenues versus target dahil sa ipinagbabawal na kalakalan. 

Bumababa din ang mga kita sa excise tax sa tabako sa kabila ng mas mataas na mga rate ng buwis.

 Nakatakda namang suriin ng House  Ways and Means Committee ang protocol at practices ng Bureau of Customs upang makita kung paano mapipigilan ang kahalintulad na nangyayari sa alkohol na talamak ang iligal na bentahan.

Giit pa ni Salceda, dahil dito kaniyang isinusulong ang mas mataas na mga rate ng buwis sa alkohol. 

Aniya, masyado pa rin itong mura dahil pinapayagan pa ang “binge drinking.” 

Inihayag ni Salceda na ang legal na alak ay naging masyadong mahal para sa legal na merkado.

Aniya, kailangan talaga harapin ng gobyerno ang ipinagbabawal na kalakalan ng magkahawak-kamay.

Binigyang-diin ng ekonomistang mambabatas na ito ang balanseng patakaran na kaniyang pinagtatrabahuhan at hindi ang isang argumento laban sa mas mataas na mga rate.