-- Advertisements --

Agaw atensiyon si Russian Foreign Minister Sergey Lavrov nang mag-walk out sa ginagawang pulong ng Group of 20 habang nagsasalita ang kanyang German counterpart na si Annalena Baerbock sa Indonesia.

Mariin kasing binabatikos nito ang Moscow bunsod nang paglunsad ng giyera laban sa Ukraine.

Kinumpirma ng ilang diplomats na sa isa pang sesyon sa hapon muli na namang ginawa ni Lavrov ang pag-walk out bago ang pagsisimula ng virtual appearance ng Ukraine foreign minister.

Hindi rin sumipot si Lavrov sa sesyon nang magsagawa rin ng kanyang pananalita si US Secretary of State Antony Blinken upang kondenahin ang Russia sa isang closed-door meeting sa Bali.