-- Advertisements --

Sinibak sa puwesto ang top Russian general matapos ang pambabatikos na ginawa nito sa kanilang mga kakayahan sa pakikipaglaban sa Ukraine.

Si Maj. General Ivan Popov ang commander ng 58th Army na nakatalaga sa southern Zaporizhzhia region ay agad na nasibak sa puwesto.

Naglabas kasi ng mensahe sa social media kung gaano karaming mga sundalo ng Russia ang nasawi at ang kakulangan nila ng mga armas sa pakikipaglaban.

Nagsalita lamang ito ng katotohanan para sa ngalan ng mga nasawing sundalo nila.

Ang nasabing pagkasibak nito inaprubahan ni Russian defence minister Sergei Shoigu.