-- Advertisements --
GAZA STRIKE

Nagawa ng Russia na mailikas ang dose-dosenang katao mula sa Gaza strip na nagpapatuloy na target ng military operations ng mga sundalo ng Israel at mga miyembro ng grupong Hamas.

Batay sa naging pahayag ng Russian emergency services, 70 katao na karamihan ay mga Russian ang kanilang nailikas mula sa naturang lugar, sa pamamagitan ng Rafah Crossing.

Maalalang una nang ikinagalit ng Russia ang naunang pahayag ng pamahalaan ng Israel na maaaring umabot ng dalawang linggo para tuluyang mailikas ang mga Russian na naroon sa naturang lugar.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa 500 hanggang 600 na mga Russians ang naitalang apektado sa naturang lugar.

Ayon sa Russian emergency services, nakahanda ang naturang bansa na pamahalaan ang pagpapalikas sa mga apektado ng naturang kaguluhan, hindi lamang ang mga Russian citizens kungdi maging ang mga mamamayan ng ibang mga bansa.

Tiniyak din ng naturang bansa na nakahanda itong magbigay ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa mga indinbidwal na maililikas nito mula sa Gaza.