-- Advertisements --
tank russia ukraine war

Hinahangad ng Russia na muling sumali sa United Nations human rights council sa isang halalan na makikita bilang isang pangunahing pagsubok sa international standing ng bansa.

Matatandaan na pinatalsik mula sa pre-eminent human rights body ng UN noong Abril an Russia matapos salakayin ng mga pwersa nito ang Ukraine.

Ngunit ngayon ang mga diplomat ng Russia ay naghahangad na muling mahalal ang kanilang bansa sa konseho para sa bagong tatlong taong termino.

Naglabas ng position paper ang Russia sa mga miyembro ng UN na humihingi ng kanilang suporta.

Dagdag dito, ang boto ay magaganap sa susunod na buwan.

Sinabi ng mga matataas na opisyal na umaasa ang Russia na mabawi ang ilang international credibility matapos na akusahan ng mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa Ukraine at sa loob ng sarili nitong mga hangganan.

Ang UN human rights council ay nakabase sa Geneva at mayroong 47 miyembro na kung saan ang bawat isang bansa ay inihalal para sa tatlong taong termino.