Kapwa nagpahayag ng kanilang excitement si Romnick Sarmenta at kasintahang si Barbara Ruaro kaugnay sa pagkakaroon na nila ng first baby.
Inanunsyo ng dalawa ang magandang balita sa kani-kanilang Instagram account kung saan five months na ang ipinagbubuntis ng indipendent film actress.
“Infinitely Blessed with Your Affirmation. Iba Ka Panginoon, maraming salamat po,” caption ni Sarmenta sa larawan ng pregnancy test stick na mayroong positive result.
Sa panig ni Ruaro, sa Pebrero sa susunod na taon daw ito nakatakdang manganak.
Nitong Hunyo lang nang kumpirmahin ng 48-year-old matinee na may bago na itong pag-ibig kasabay ng apela ng respeto.
Bago ito, nauwi sa hiwalayan ang halos dalawang dekadang pagiging mag-asawa nina Sarmenta at Harlene Bautista bagama’t nananatiling mabuting magulang sa kanilang limang anak.
Nagsimula ang love story ni Sarmenta at ng dating child actress sa set ng sikat na palabas noon na “That’s Entertainment” na natuloy sa tatlong beses na pagpapakasal- una ang civil wedding noong 1999; church wedding noong 2000, at nagkaroon ng renewal of vows noong 2002 sa Las Vegas.