-- Advertisements --
Kailangang magpakitang gilas din daw at bumalik ang mga laro ng iba pang players ng Los Angeles Lakers kung nais nilang maibulsa ang ika-17 title sa NBA (National Basketball Association) Finals.
Una nang napuna na tanging sina LeBron James at Anthony Davis ang kumakayod ng husto sa opensiba ng Lakers.
Habang tila nawala ang angas nina Rajon Rondo, Alex Caruso, Kyle Kuzma, Danny Green at Markieff Morris.
Buti na lamang at kahit papaano ay consistent si Kentavious Caldwell-Pope sa nakalipas na games.
Sinasabing mahalagang matapatan ng Lakers ang init ng Heat pagdating sa three point area upang hindi maunsyami ang kanilang minimithing korona makalipas ang isang dekada.