-- Advertisements --

Kumbensido si Vice President Leni Robredo na lugi lang ang mga trolls laban sa kanya sapagkat hindi naman siya apektado ng mga pinaggagawa nito laban sa kanya.

Nakatutok lamang kasi siya sa kanyang trabaho kahit maliit lang ang mandato na ibinigay sa kanya ng Duterte administration, pati rin ang resources na kanilang ginagamit.

Ang lagi lamang aniya nilang isinasaisip ay sa kabila ng kanilang sitwasyon ay kung paano sila makakatulong.

Si Robredo ay tatakbo sa pagkapangulo sa halalan sa susunod na taon.

Kasama ang kanyang running mate na si Sen. Francis Pangilinan, sinabi nila ni Robredo na ibabalik nila ang epektibong pamamahala sa gobyerno kung saan prayoridad ang kapakanan ng taumbayan at sisikaping mapag-isa ang buong bansa.