-- Advertisements --

Plano ng Department of Budget and Management (DBM) na hilingin sa Kongreso na mabigyan ng authority ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa “rightsizing” o pagsasaayos ng mahigit 100 ahensiya ng gobyerno upang maka-ipon ng P14.8 billion pondo kada taon.

Tinukoy ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na nasa 187 mga ahensiya, departamneto, opisina at bureaus kabilang ang government-owned and controlled corporation (GOCCs) na hindi sakop ng GOCC Governance Act ang kanilang tinitignan na mayroong pareho lamang o overlapping na mga tungkulin.

Aniya, nasa dalawang milyong empleyado ng gobyerno ang maapektuhan subalit hindi kabilang dito ang mga emplyeado sa sektor ng edukasyon, medical at allied health services at military at uniformes personnel.

Sa kabila nito, ayon kay Pangandaman ang mga maapektuhan na mawawalan ng trabaho ay maaaring mag-apply sa bagong posisyon na bubuksan ng gobyerno sa ilalim ng rightsizing program.

Ayon sa DBM, ang P14.8 billion na malilipon ay ire-allocate sa ibang mga priority projects gaya ng imprstruktura, social services, health at agriculture.