-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang rider matapos na pagbabarilin sa Calabanga, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Denifer Alarcon, 36-anyos, residente ng Zone 7 Brgy. Bonot – Sta. Rosa sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktima pauwi na sana sa kanilang bahay ng pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman ng nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Kaugnay nito, nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong piraso ng fired cartridge case at isang misfired suspected shotgun ammunition.

Sa ngayon, nagppatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing krimen lalo na ang pag-alam sa posibleng pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek.