-- Advertisements --
Tanggap na ng aktres na si Rich Asuncion ang bagong buhay nito kasunod ng pag-migrate sa Australia.
Ayon sa 31-year-old actress, ito’y kahit pa nahirapan siya noong una sa nahanap na trabaho bilang waitress pero napakasaya naman nang makuha na ang unang suweldo.
Wala na aniya siyang karapatang mamili pa ng magiging source of income lalo na sa panahon ng pandemya.
Kuwento pa ng misis ng rugby player na si Benjamin Mudie, nakapag-enrol na rin siya para ipagpatuloy ang pag-aaral at mayroon pang offer na full-time job sa daycare.
Sa ngayon ay kontento na raw si Rich sa simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya kahit malayo sa kanyang celebrity status sa Pilipinas.