Hindi pa rin tumitigil ang mga rescue teams sa paghahanap sa 26 katao pa na nawawala sa siyam na mga probinsiya sa Pilipinas matapos ang malawakang pagbaha at landslides na kumitil na sa 25 katao.
Ito na ang isa sa deadliest weather events na naitala ngayong taon.
Walang humpay ang mga isinasagawang search at rescue operations sa pangunguna ng Philippine Coast Guard dahil karamihan sa kanila ay nawawalang mangingisda.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nakapagtala ng mahigit 300 mga lugar na nalubog sa baha at 20 insidente ng landslides bunsod ng mga pag-ulan dahilan para pwersahang lumikas ang nasa 80,000 mga residente at kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers.
Sa ngayon, humupa na ang tubig baha karamihan sa mga sinalantang lugar.
May mga ilang residente na rin ang nagsibalikan sa kanilang mga tahanan at sinimulan ang paglilinis sa mga iniwang debris matapos ang ilang araw na matinding pag-ulan.
Ayon naman sa state weather bureau, aasahan pa rin ang patuloy na mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa central at southern areas hanggang bukas, Disymebre 29.










