-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa umano’y “false positives” COVID-19 tests na iniuugnay sa isang chapter ng Philippine Red Cross.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isinasagawa ang imbestigasyon ng RITM sa pamamagitan ng highly technical processes at dumaan din sa apat na phases.

Noong Setyembre 2020, 49 hospital personnel aniya ang nagpositibo sa COVID-19 sa swab tests na ginawa ng logistics at training center ng PRC sa Subic.

Pero, pagkatapos na sumailalim ang mga ito sa confirmatory tests sa Medical City sa Clark, lima lamang sa 49 na health personnel ang positibo pala sa COVID-19.

Nauna nang nagpaliwanag ang PRC na ang timing ng tests kaugnay sa exposure sa virus ay pawang mga factors na posibleng maglabas ng magkaibang resulta.

Gayunman, sinabi ng PRC na ina-acknowledge nila ang posibilidad ng false positive test results gayong wala namang perpektong COVID-19 test method.