-- Advertisements --

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-gobernador ng Lalawigan ng Quezon si 4th District Representeatives Angelina Helen Tan.

Tatakbo siya sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition.

Kasama niya sa paghahain ng COC ang kanyang running-mate sa pagka bise gobernador na si Third Alcala, 1st District Rep. Mark Enverga, Bokal Reynan Argancia na tatakbong kongresista mula sa third district, at Atorni Mike Tan na tatakbo ring kongresista sa ika-apat namang distrito.

Nangangako si Tan na kapag siya ang manalo sa halalan sa susunod na taon ay ipagpapatuloy niya ang nasimulang “HEALING agenda” na kumakatawan sa kanyang adhikain para sa Health, Education, Agriculture, Livelihood, Infrastructure Development, Nature/Environment/Tourism at Goof Governance.

Papaigtingin pa niya lalo ang mga programa at proyektong pangkalusugan sa harap ng kalbaryong dulot ng COVID-19 pandemic.