-- Advertisements --

KIANGAN2

Kinumpirma ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na malaking tulong para sa mga Pulis na nagpositibo sa COVID 19 virus ang gamot na Remdesivir.

Ayon kay Sinas, lahat ng mga Pulis na pumapasok sa kanilang Quarantine Facility ay automatic na pinapipirma para gamitin sa kanila ang Remdesivir.

May kinuha umano silang Eksperto mula sa dalawang kilalang malalaking ospital sa Metro Manila bilang Consultant na siyang nagbibigay ng payo sa mga doktor ng PNP General Hospital kung paano gamitin ang nasabing gamot kasabay ng iba pang antibiotic na ibinibigay sa mga Symptomatic patients.

Ayon kay Sinas, sa 30 pasyenteng unang pinainom nila ng Remdesivir ay 29 ang gumaling pagkatapos ng limang araw at isa lamang ang nailipat sa pagamutan dahil sa iba niyang simtomas.

Aminado si Gen Sinas na mahal ang nasabing gamot ngunit ito ay sagot na ng PNP para lang matiyak na gumaling sa COVID 19 ang kanilang mga tauhan.
Pinangunahan naman ni PNP chief ang pagbubukas ng bagong 96-bed quarantine at isolation facility dito sa loob ng Camp Crame.

Sinabi ni Sinas ang pagbukas ng panibagong treatment facility ay paghahanda ng PNP sa sandaling tataas na naman ang bilang nga Covid-19.

Sa ngayon, ayon kay Sinas mayruon 312 beds ang PNP para sa mga Covid-19 symptomatic patients.

Binigyang-diin ni Sinas na ang i-accomodate lamang sa nasabing facility ay mga symptomatic Covid-19 positive.