Pinal na ang rematch sa pagitan ng dalawang bigating martial artist na sina Joshua Van at Alexandre Pantoja.
Batay sa inilabas ng Ultimate Fighting Champion (UFC) na fight details, magaganap ang laban sa pagitan ng dalawa sa Crypto.com Arena sa Los Angeles, Setyembre 19 ng kasalukuyang taon.
Ang 24-anyos na si Van ay isang flyweight champion at hawak ang win-loss record na 17-2. Huli niyang nakuha ang 125-pound title nitong nakalipas na buwan ng Disyembre (2025) laban kay Pantoja sa pamamagitan ng first-round technical knockout (TKO).
Ang naturang laban ay nagtagal lamang ng 26 na segundo matapos magtamo si Pantoja ng arm injury dahil na rin sa agresibong strikes ng bagitong challenger.
Matapos ang matagumpay na laban, muli ring sumabak si Van sa isang match nitong May (2026) sa pamamagitan ni Tatsuro Taira. Natapos ang naturang laban pabor kay Van via fifth-round TKO.
Sa pagbabalik ng 36-anyos na Brazilian legend, hawak niya ang 30-5 win-loss record.











