-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Sako-sakong relief goods at gamit ang ibinyahe ngayon ng Regional Office 5 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga biktima ng magkakasunod na lindol kamakailan sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni DSWD-Bicol regional director Arnel Garcia, na nagpadala ang kanilang hanay ng 20,000 kumot at 50,000 malong para sa mga biktima ng trahediya.

May foot socks din umano at iba pang non-food items na aabot sa P3-milyon ang kabuuang halaga.

Dadalhin ito sa Davao City baho i-distribute sa local government units na apektado.

Inihayag ni Garcia ang kahandaan ng kanilang tanggapan na magpaabot pa ng karadagang tulong sakaling kailanganin pa ng mga biktima.