-- Advertisements --

Pumanaw na ang reggae singer na si Joseph “Jo Mersa” Marley sa edad 31.

Hindi na binanggit pa ng kampo ng singer ang sanhi ng kamatayan nito.

Ang singer ay apo ng legendary reggae artist na si Bob Marley.

Nanguna si Jamaican Prime Minister Andrew Holness sa nagbigay ng pakikiramay matapos na mabalitaang pagpanaw ng singer.

Taong 2016 ng unang naglabas ang singer ng kaniyang album na “Comfortable” na sinundan ng album niyang “Eternal” noong 2021.