-- Advertisements --
Pumanaw na ang reality TV show cast member na si Mel Schilling sa edad na 54.
Kinumpirma ng kaniyang asawa na si Gareth ang pagpanaw ng 54-anyos na si Schilling.
Noong Disyembre 2023 ng inanunsiyo niyang na-diagnosed siya ng cancer at noong nakaraang buwan ay sinabi nitong kumalat ito sa kaniyang utak.
Naging coach siya ng reality show na “Married at First Sight”.
Unang naging bahagi siya ng show sa Australia bago ito lumipat sa show sa United Kingdom.










