-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Los Angeles ang rapper na si Killer Mike.

Naganap ang pag-aresto sa kaniya ilang minuto matapos na magwagi ito ng tatlong Grammy awards.

Sinabi ni Los Angeles police spokesperson Mike Lopez na ang pag-aresto ay may kinalaman sa kinasangkutang gulo ng rappers sa loob ng Crypto.com Arena.

Dagdag pa nito na ang 48-anyos na rapper ay sinampahan ng kasong misdemanour.

Pinayagan itong nakalaya at nakatakdang dumalo sa pagdinig ng kaniyang kaso.

Nagwagi ang kaniyang kantang “Scientist and Engineers” bilang best rap songs at best performance habang ang kaniyang album na “Michael” ay nagwagi bilang best rap album.