-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaabangan na ng mga Ilonggo ang pag-uwi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jobert Peñaflorida, presidente ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na kasama nila ang Ilonggo community sa pagbati kay Rabiya na kumatawan sa Pilipinas sa 69th Miss Universe competition.

Ayon kay Peñaflorida, ngayong tapos na ang Miss Universe, mananatili muna si Rabiya sa Amerika upang makapagbakasyon.

Pinaplantsa na rin anya ang mga kakailanganin para sa motorcade ng Ilongga beauty queen sa kanyang homecoming sa Iloilo sa buwan ng Hulyo.