-- Advertisements --
ILOILO CITY – Personal na humingi ng payo si Rabiya Mateo kay Miss Earth 2015 Angelia Ong upang mangibabaw sa mahigit 70 kandidata ng Miss Universe 2020.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Angelia, sinabi nito na hindi lang sila kapwa Ilongga ni Rabiya kundi matalik na magkaibigan pa.
Ayon kay Ong, bilang bihasa na sa pageanty ay pinayuhan niya si Rabiya na maging “authentic at sincere.”
Nasaksihan din daw niya ang hirap na pinagdaanan ni Rabiya sa kanyang pagsabak sa Miss Universe.
Gayunman, hanga ito kung saan siya ang “most followed” Miss Universe candidate na may mahigit one million followers sa Instagram.