CAUAYAN CITY- Isinailalim sa walong araw na calibrated lockdown ang purok dos,barangay Rizal, Alicia, Isabela dahil sa local transmission ng CoVID 19.
Batay sa inilabas na abiso ng pamahalaang lokal ng Alicia, isinailalim simula ngayong hanggang September 6, 2020 sa calibrated lockdown ang nabanggit na purok.
Ang calibrated lockdown bunsod ng pag-positibo ng COVID 19 ni CV765.
Nagkaroon ng second case ng local transmission ng Covid 19 sa bayan ng Alicia makaraang si CV765 at CV766 ay nagpositibo sa virus matapos makasalamuha si patient CV708 na nagtala ng first case ng Local Transmission.
Si patient CV766 ay anak ni patient CV708 habang si patient CV765 ay nagsilbing cook sa araw ng kasal ng isa sa mga anak ni patient CV708 noong ikalabing walo ng Agosto.