-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sasampahan na ng kaso ang isang police corporal at tatlong police auxiliary na una nang nadakip sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa extortion sa Purok 8-seaside Barangay 76-A nitong lungsod.

Una nang nakilala ang mga suspek na sina Police Corporal Reynard Aballe at mga police auxiliary na sina Keevin Tacsan, Kris Polido Tacaldo at Martin Sergio.

Ayon sa mga complainant na sina Rogelio Alimpos at Jerry Palac, habang nasa lamay ng patay ay nanghihingi umano ng pera ang suspek sa mga nagsusugal.

Dahil dito, agad nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng NBI kung saan aktwal na nakitang nanghihingi ng pera ang mga suspek.

Magsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga otoridad matapos lumabas ang impormasyon na hindi lamang ito ang unang beses na nasasangkot ang ilang kapulisan sa extortion lalo na sa gitna ng lamay.