-- Advertisements --

Pinalawig pa ng hanggang ngayong araw Disyembre 28 ang burol ng cremated na labi ni PBA legend Samboy Lim na nakalagak sa Colegio de San Juan de Letran.

Ayon sa nasabing paaralan na ginawa nila ang pagpapalawig ng araw para mabigyan ng pagkakataon ang mga fans nito na makadalaw at makapagbigay pugay.

Magsisimula ang public viewing mula alas-11 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Isasagawa ang inurment o ang pormal na pagsisilid ng ashes sa Disyembre 29 pagkatapos ng alas-12 ng tanghali na misa sa Garden of the Divine Word Columbarium sa lungsod ng Quezon.

Bago naglaro sa PBA ay naging bahagi ito ng college basketball team ng Letran Knights mula 1982 hanggang 1984.