-- Advertisements --

May mahigpit na panuntunan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga nais na gumamit ng libre ng track and field facilities.

Binuksan na ng PSC ang mga track and field facilities sa Manila, Pasig at Baguio dahil na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

Paliwanag ni PSC Chairman Patrick Gregorio, na kaya mula alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi lamang ito bukas ay para bigyang daan ang pagsasanay ng mga national athletes na kadalasan ay sa umaga.

Patuloy din nilang inaayos ang ilang mga schedule subalit sa ngayon ay ito na ang magandang oras para hindi maabala ang pagsasanay ng mga atleta.