-- Advertisements --
SIBUYAS

Tumaas ang presyo ng sibuyas na ibinebenta sa mga merkado sa Metro Manila sa unang linggo ng Oktobre, 2023.

Batay sa inilabas na monitoring report ng DA Bantay Presyo, umaabot na sa P120.00 ang kada kilong presyo ng lokal na pulang sibuyas.

Mas mataas ito ng sampung piso kumpara nong huling linggo ng Setyembre.

Para sa lokal na puting sibuyas, umaabot na ang presyo nito sa P130.00 habang noong huling linggo ng Setyembre ay umaabot lamang sa P110, at may P20 na diperensiya.

Para sa imported na puting sibuyas, umaabot na sa P100.00 kada kilo ang presyo nito mula sa P90.00 noong nakalipas na linggo.

Samantala, wala namang supply ng imported na pulang sibuyas, batay pa rin sa naging monitoring ng Bantay Presyo team ng DA.

Sa kabilang banda, nanatili naman ang presyo ng panindang bawang: P120 kada kilo para sa imported habang P500 kada kilo para sa lokal na bawang.

Kabilang sa mga tinungo ng Bantay Presyo ay ang mga palengke sa Pasay, Pasig, Marikina, atbp.