-- Advertisements --
image 178

Siniguro ni Go Negosyo Founder at Chairman of the ASEAN Business Advisory Council Joey Concepcion na walang price increase sa mga Noche Buena products sa bansa.

Ayon kayb Concepcion, ang presyo ng harina at asukal at nanatiling matatag sa kabila ng price increase sa produktong petrolyo.

Sa kasalukuyan aniya, sinimulan na rin ng mga manufactures sa bansa ang paglabas ng mga Christmas products sa mga distributors sa ibat ibang bahago ng bansa.

Dagdag pa ni Conception, ang mga merkado sa bansa ay isang competitive environment kayat tiyak aniyang mag-aagawan ang mga distributors at retailers ng market share o dami ng mga konsyumer.

Sinabi pa ni Concepcion na batay sa kasalukuyang inventory ng maraming manufacturers, mas sapat na silang mga raw materials na maaaring gamitin hanggang sa susunod na taon, at nabili sa mababang halaga.