-- Advertisements --
Asukals

Naitala ang pagbaba ng presyo ng asukal sa mga pamilihan sa bansa nitong huling bahagi ng Oktubre, 2023.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa national level, ang average na presyo ng isang kilo ng refined sugar ay P93.64 lamang.

Ito ay mas mababa ng 1.6% mula sa dati nitong presyo na P95.19.

Batay pa sa datus, naitala ang pinakamataas na presyuhan ng asukal sa mga merkado ng Eastern Visayas na umaabot ng hanggang P106.08 kada kilo.

Habang ang pinakamababang presyo naman ay mula sa mga merkado sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao(BARMM).