-- Advertisements --
DOH office

Nakatuon umano sa magiging function ng Department of Health (DoH) ang magiging trabaho ni retired Philippine National Police Chief Gen. Camilo Cascolan.

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga pagkuwestiyon sa pagkakatalaga kay Cascolan bilang undersecretary sa kagawaran ng kalusugan.

Sinabi pa nito na kaya itinalaga bilang Usec for special concern si Cascolan ay upang tingnan ang takbo ng ahensya na may kinalaman sa structural changes, kasama na ang rightsizing.

Hindi aniya nangangailangan ng Doktor ang ilagay sa nasabing posisyon sabi ng punong ehekutibo na siyang magiging mandato ni Cascolan sa health department.

Titingnan din ni Cascolan kung ano pa ang dapat na ayusin sa ahensiya, na naging epektibo sa ibang tanggapan na pinamunuan. nito.