-- Advertisements --
Hindi nagpahuli si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa libo-libong fans na nanood ng concert ng British rock band na Coldplay.
Kinumpirma ng Presidential Communications Office ang panonood ng pangulo kasama si First Lady Liza Marcos sa unang gabi ng concert ng banda na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan.
Nagsigawan ang mga fans pagkalabas sa stage ng frontman na si Chris Martin at sumunod ang mga kasama nito sa banda na sina Jonny Buckland, Guy Berryman at Will Champion.
Hapon pa lamang ay pumila na ang mga fans ng banda kung saan nagdulot din ito ng bahagyang trapiko sa Norh Luzon Expresway (NLEX).
Kinanta ng banda ang ilang mga sikat na awitin nila gaya ng “Yellow”, “The Scientist”, “Higher Power” at maraming iba pa.