Paolo Duterte
Paulo Duterte

Nagbanta na magbibitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tumakbo sa pangka-house speaker ang anak nitong si Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Matunog kasi ang pangalan ng dating Davao City Vice Mayor matapos na manalo ito sa pagka-kongresista nitong katatapos lamang na halalan.

Sinabi ng pangulo na handa itong bumaba sa puwesto dahil marami na silang nasa gobyerno.

Tiniyak naman ng pangulo na magiging neutral ito kung sinuman ang interesadong maging speaker of the house.

Mariing pinabulaanan naman ng presidential son na interesado itong tumakbo sa pagka-speaker of the house.
Magugunitang isinulong ni House minority leader Danilo Suarez ang pagboto kay Paolo bilang susunod na House Speaker.