-- Advertisements --

Nakatakdang magpapadala ngayon ang pamahalaan ng mga medical equipment doon para umalalay sa paglaban ng COVID-19.

Ito’y kasunod ng pagsasailam sa Cebu City sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 patients sa lungsod at naitatalang kritikal o severe cases.

Sa pulong sa Malacañang, sinabi ni COVID-19 Task Force chief implementer Sec. Carlito Galvez na nasa 6,000 PPEs, mga ventilators, 53 high flow nasal cannula ang kanilang ipadadala doon.

Ayon kay Sec. Galvez, personal niyang inalam ang sitwasyon sa Cebu City at Talisay City at nakita nila ang pagtaas ng severe cases ng COVID-19 sa lugar.

Dahil dito, maliban sa mga medical equipment, napagkasunduan rin nila ni Heath Sec. Francisco Duque III ang pagpapadala ng surveillance team sa Miyerkules para magsagawa ng close monitoring sa lugar lalo doon naitala ang spike ng COVID-19 cases sa bansa.