IMAGE | National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na simula ngayong weekend ay magsisimula ng bumalik sa normal ang supply ng kuryente sa buong Luzon.

Ito’y kasunod ng rotational brownout na naranasan ng rehiyon kamakailan bunsod ng labis na pagnipis sa power supply.

Ayon sa NGCP, nagsimula ng bumalik sa operasyon ang pumalyang Unit 1 ng South Luzon Thermal Energy Corporation sa Batangas na may capacity load na 135-megawatts.

Sa darating na Martes, April 16, ay magsisimula na ring mag-operate ang apat na natitirang planta ng kuryente na nag-forced shutdown nitong nakalipas na linggo.

Sa kabila nito, nadagdagan pa ang bilang ng mga pumalyang powerplant.

Batay sa monitoring ng NGCP, nag-forced outage rin ang planta ng Pan Asia Energy Inc. sa Limay, Bataan kaninang madaling araw dahil sa overspeed ng mga turbine.

Pansamantala namang babawasan ng 210-megawatts ang 420-megawatt capacity ng San Gabriel Natural Gas Plant sa Batangas dahil sa restriction ng gas volume.

56905099 1797878476980410 6831001066012672000 n
IMAGE | DOE Update on Power Plants affected by outages/de-rated, as of April 13

Sa ngayon manipis pa rin ang reserba ng kuryente sa Luzon dahil sa yellow alert warning ng NGCP na itinaas kaninang alas-10:00 ng umaga na magtatagal hanggang alas-5:00 mamayang hapon.

Babalik din ito mamayang alas-7:00 at magtatagal hanggang alas-10:00 ng gabi.