-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng OPM veterans na sina Pops Fernandez at Martin Nievera na mayroon na silang apo.

Sa social media account ni Pops ay ibinahagi ang larawan ng apo mula sa anak na si Robin at partner nitong si Mian Acoba.

Ipinakilala ang singer ang apo na pinangalanang si Phineas.

Kapwa nagpahayag ng kasabikan ang dalawa na ipakilala sa mundo ang bagong silang na apo nila.

Hindi rin aniya sila makapaghintay na alagaan ang kanilang apo.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa iba’t-ibang showbiz personalities sa social media post ng dalawa.