-- Advertisements --
Nagsimula na ang anim na araw na biyahe sa ibang bansa ni Pope Leo XIV.
Ito ang kaunahang biyahe ng Santo Papa na hindi na naituloy ng namayapang si Pope Francis.
Mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2 ang magiging biyahe ng Santo Papa.
Bibisitahin niya una ang Iznik, sa Türkiye kung saan gagawin doon ang paggunita ng 1,700 taon ng unang Council fo Nicaea at Lebanon.
Nakatakda rin itong magtungo sa Ankara at makipagkita kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan.
Ang pagbisita naman ng Santo Papa sa Lebanon ay kasunod ng makailang ulit na panawagan niya ng dialogo at kapayapaan sa rehiyon.
Pagdating naman ng Disyembre 2 ay magtutungo ang Santo Papa sa lugar kung saan naganap ang 2020 Bierut port explosion na ikinasawi ng 218 katao.
















