-- Advertisements --
Umapela si Pope Francis na wakasan na ang 10 buwang sigalot sa Sudan na nagdulot na ng milyun-milyong residenteng lumikas at mga babala ng taggutom.
Sa mensahe ng Santo Papa, muli umano niyang hinihiling sa mga naglalabanang partido na itigil na ang digmaan, na nagdudulot ng labis na pinsala sa mga tao at sa kinabukasan ng bansa.
Ipagdasal aniya ng lahat na matagpuan na ang kapayapaan para sa kinabukasan ng Sudan.
Sa ngayon, nabigo ang diplomatic efforts na wakasan ang civil war sa Sudan.
Sa mensahe ng papa, binanggit din nito ang mga sigalot sa Mozambique, Ukraine, Israel at Palestinian territories.