Todo ang paghikayat ng Commission on Population and Development (POPCOM) sa susunod na administrasyon na maging consistent sa adbokasiya ng pamahalaan sa family planning para maipagpatuloy daw ang pag-unlad ng kabuhayan ng mga Pinoy.
Base sa data ng POPCOM, lumalabas na sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte pumapalo raw sa 8.1 million Filipino couples, partners at individuals ang aware sa family planning practice at usage.
Ayon kay POPCOM chief Dr. Juan Antonio Perez III, ang figure ay 25 percent na mas mataas o 2 million mula nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Duterte noong 2016.
Sinabi rin ni Perez na noong 2016 hanggang 2022, nasaksihan daw ng bansa ang mainstream implementation ng Republic Act 10354, o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) law na malaking tulong para mapataas ang bilang ng mga nag-avail ng family planning services na 30 percent mula nang maipasa ang batas noong 2021.
Base sa pinakahuling Field Health Services Information System (FHSIS) kapag pinag-usapan ang contraceptive methods, ang pills ang nananatiling mas pinipili ng nasa 3.2 million na mga kababaihan noong 2020 at mas mataas ng isang milyon mula noong 2016.
Maging ang Implants ay nagkaroon din ng significant increase sa paggamit dito na mula sa 103,000 ay naging 474,000 sa loob ng anim na taon.