-- Advertisements --

Palalawigin pa ang lockdown na umiiral sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silanga, Cavite.

Kasunod ito ng panibagong 232 cadets at 11 personnel ng Camp Castañeda na nagpositibo sa COVID-19 test.

Ayon kay PNP Academy spokesperson Lieutenant Colonel Byron Allatog, pawang asymptomatic ang mga ito, ngunit kailangan pa ring obserbahan at bigyan ng medical attention.

Matatandaang Setyembre 3, 2020 nang ma-detect ang ilang COVID positive sa ilang academy, kaya nagpatupad ng lockdown.

Isinalang din sa swab test ang mga kadete at lumabas na mahigit 200 sa kanila ang infected ng naturang sakit.