Nananawagan si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PDir. Guillermo Eleazar sa mga gun owners sa Metro Manila na expired na ang mga lisensiya na boluntaryong isuko na ito sa pulisya.
Ang panawagan ni Eleazar ay may kaugnayan sa nalalapit na 2019 midterm election.
Ayon kay Eleazar, patuloy ang ginagawang “Oplan Katok” ng kapulisan sa Metro Manila upang isuko ng mga residente sa pulisya ang kanilang mga hindi lisensyadong baril at expired na ang lisensya para sa safekeeping hanggang sa matapos ang eleksyon.
“For safekeeping and tinutulungan natin sila na ma-renew yung license at tayo ay nanawagan sa ating kababayan na kung meron silang baril na expired o unlicensed, they just have to coordinate with the nearest station and kami ang pupunta doon para marecover natin for temporary safekeeping. Wala pong kaso. Di natin sila kakasuhan o aarestuhin ng may hawak ng baril na to,†pahayag ni Eleazar.
Samantala, sinabi rin ni Eleazar na sa kabuuang 17 lungsod at isang munisipalidad sa Metro Manila ay maituturing na “manageable†kung ang peace and order ang pag-uusapan dahil sa nalalapit na halalan.
Tuloy-tuloy din umano ang kanyang pakikipag-usap sa mga kandidato gayundin ang panawagan niya sa mga supporters na magtulungan kasama ang kapulisan na gumawa ng paraan para maiwasan na magkaroon ng katahasan.
Patuloy din ang ginagawang Comelec checkpoints at iba pang intelligence-driven operations para hindi masingitan ng anumang uri ng karahasan na pinaplano ng anumang grupo o indibiduwal na nais manggulo sa nalalapit na eleksyon.









