-- Advertisements --

Tumugon lamang ang Philippine National Police (PNP) sa request ng Sheriff ng Supreme Court kaugnay sa pag-implement sa Status Quo Ante Order (SQAO) sa pamunuan ng OKADA Manila.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Directorate for Operations (DO) chief PMGen. Val De Leon kaniyang nilinaw na hindi nilusob at pwersahang tinake-over ang OKADA Manila ng nasa 50 mga private security guard kasama ang mga tauhan ng Paranaque PNP.

Sinabi ni De Leon, hiniling ang kanilang tulong kaya ginampanan lamang nila ang kanilang trabaho para matiyak na magiging maayos ang pagsisilbi ng order ng Sheriff.

Nilinaw din ni MGen. De Leon na hindi sila nakiki-alam sa ganitong mga kontrobersiya.

Aniya, bilang mga alagad ng batas ay titiyakin nila na hindi magpang-abot ang dalawang panig.

Nakahanda naman ang PNP na magbigay seguridad para hindi uminit pa ang tensiyon.

Sinabi ni De Leon, nakatutok ang PNP sa sitwasyon sa Okada at nakahanda naman sila mag deploy ng mga pulis kung hihilingin ito.

Samantala, kinondena naman ng Tiger Resorts Leisure and Entertainment ang umano’y pag take over sa Okada Manila.

Hindi nagustuhan ng pamunuan ng Tiger Resorts ang umano’y pag take-over para ire-instate ang Japanese billionaire na si Kazuo Okada,na pinatalsik nuon sa korte dahil sa pretext ng court order subalit walang naipakitang kopya ng nasabing dokumento.

Una rito nag isyu ang Supreme Court ng status quo ante order (SQAO) kung saan nire-reinstate sa pwesto si Kazuo bilang chairman at CEO ng Tiger Resort.

Sa statement na inilabas ng Tiger Resorts, pinuwersa at hinakot umano ng isang kilalang Pinoy na bilyonaryo ang mga board members palabas ng casino-hotel nuong May 31, kabilang umano dito si Hajime Tokuda, chairman ng Asiabest Group International, na siyang publicly-listed subsidiary ng Tiger Resorts.

Ayon sa Tiger Resorts, si Okada ay mayruon lamang one share of stock sa kumpanya bago siya napatalsik sa kumpanya.

Ang Status Quo Ante Order ay isang temporary or provisional order.

Naghain na rin ng motion for reconsideration ang pamunuan ng Tiger Resorts kaugnay sa SQAO sa Supreme Court isang araw bago ibaba nito ang desisyon.