-- Advertisements --
Mas pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagbabantay sa iligal na paniningil ng taas pasahe sa mga pampasaherong sasakyan.
Sinabi ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. , na mayroon na silang ipinakalat na mga kapulisan sa mga bus terminals sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Tinutulungan nila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagmonitor sa mga iligal na nangungulekta ng taas pamasahe.
Magugunitang ipinakansela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang taas pasahe para mabawasan ang pasanin ng mga mamamayan ngayong panahon ng krisis.
















