-- Advertisements --

Pabor si PNP chief PDGen. Oscar Albayalde sa hakbangin na mag-armas ang mga judges bilang proteksiyon sa kanilang mga sarili.

Inihalimbawa ni Albayalde ang insidente sa Misamis na tinambangan ang isang abugado.

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng PNP at ng Court administrator para mapabilis ang pagkuha ng License To Own and Posess Firearms (LTOPF), pag lisensiya ng baril at pagbibigay ng Permit To Carry Firearms Outside Residente (PTCFOR).

Nuong Biyernes, dumalo sa summit ng mga judges si PNP chief na ginanap sa Tagaytay City, kung saan nagsilbi itong guest of honor and speaker sa event.

Nasa 600 na mga judges mula sa ibat-ibang panig ng bansa ang dumalo sa nasabing summit.

Aminado si Albayalde na kailangan ng mga huwes ng mag-armas ng kanilang mga sarili lalo na hindi nila alam kung sino ang kanilang mga kalaban.

Pero dapat may kaukulang lisensiya at permits ang mga bitbit nilang armas.

Nakahanda naman ang PNP  na mabigay ng police security detail sa mga judge na may matinding banta  sa buhay.

Paliwanag ni Albayalde, hindi sila basta basta nagbibigay ng police escort dahil kung pagbibigyan nila ang mga nag rerequest sa PNP ay wala ng mga pulis ang matitira at mag maintain ng peace and order sa mga kalye.

Hindi lamang mga judges ang humihingi ng police security detail sa PNP kundi mga politicians at iba pang mga VIPs na may banta sa kanilang buhay.