-- Advertisements --

Ginawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho para magbigay ng seguridad sa libing ni Baby River, anak ng detainee na si Reina Mae Nasino.


Ang pahayag ni Cascolan ay bunsod sa kaliwat kanang batikos na kanilang natanggap dahil sa napaka higpit na seguridad na ipinatupad ng Manila Police District.

Ayon kay Cascolan, magkaiba ang sitwasyon ng bawat isa, at ang mga pulis ay magreresponde lamang kung kinakailangan ng sitwasyon.

Umalma kasi ang kampo ni Nasino na pinigilan ng mga pulis ang pagpasok ng mga tao sa La Funeraria Rey sa Pandacan, Manila bago inilibing si Baby River.

Una ng dinipensa ni Cascolan ang mga pulis na idineploy sa libing ni Baby River.

Batay sa ulat ng MPD, nakatanggap sila ng impormasyon na planong magsagawa ng rally ang mga supporters ni Nasino.