Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr na kanilang hinarass ang mga photojournalist sa kasagsagan ng pagtitipon ng mga anti-ASEAN sa lungsod ng Pasay nitong Miyerkules, Hulyo 22.
Sinabi ng PNP Chief na nagpapatupad lamang ng security protocols ang mga kapulisan sa lugar.
Idineklara kasi ang lugar bilang “No-rally Zone” kasunod ng nagaganap na ASEAN meeting.
Paglilinaw nito na nakihalubilo ang mga photojournalists sa mga ralliyesta kung saan ang mga ito ay pumalag.
Magugunitang tinangka ng mga kapulisan na arestuhin ang mga photojournalist na sina Rene Dilan at Bullit Marquez matapos na sila ay pagbawalan na kumuha ng larawan sa nagaganap na kilos protesta.
Matapos ang ilang sandali ay pinakawalan ang mga ito ng kausapin sila ng ilang mga photojournalists.
Kinondina naman ng National Union of Journalist of the Philippines ang nasabing insidente kung saan sinabi nila na hindi tama at nararapat ang ginawang pagtrato ng mga kapulisan sa mga journalists.
















