-- Advertisements --
pnp chief pgen rodolfo azurin jr.

Pinaiimbestigahan na ngayon ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang aksidenteng pagkakabaril ng isang estudyante sa kaniyang sarili.

Ito ay matapos na mapatay mula sa aksidenteng pamamaril ang isang grade 6 student ng Benito Nieto Elementary School ang kaniyang sarili gamit ang baril na pag-aari ng kaniyang ama.

Kaugnay nito ay inatasan na niya ang Bulacan Provincial Police Office na imbestigahan kung papaano napasakamay ng estudyante ang nasabing baril.

Ngunit batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-5:40 ng umaga nangyari ang naturang insidente sa Comfort room ng naturang paaralan.

Palihim na kinuha ang baril ng kaniyang ama na nakatago sa kabinet at dinala ito sa eskwelahan.

Habang pinaglalaruan ay bigla umano itong pumutok at tinamaan ng bala ang baba ng bata na tumagos naman sa kaniyang ilong.

Agad namang naisugod sa pinakamalapit na ospital ang nasabing biktima pagkatapos ng nangyaring aksidente.

Napag-alaman na isang Baretta service firearm ang baril na ginamit ng estudyante na pag-aari ng kaniyang ama na si Police Executive Master Sgt. Sherwin Dascil na kasalukuyang nakadestino ngayon sa Kampo Crame.